Otlum sa CEOs ng beauty brands: Ako ang pagandahin n’yo!

HINIHINTAY ng publiko kung may kakagat sa hamon ng social media personality na si Otlum na siya ang gawing brand ambassador ng mga beauty brands na patok na patok ngayon sa merkado.

Sa isang viral video, nag-isyu ng challenge si Otlum sa mga CEOs ng mga skincare products na huwag magagandang celebrities ang gawin nilang endorser.

“Kung talagang gumagana ang mga sabon at gamot n’yo, ako ang pagandahin n’yo,” talak ni Otlum.

“Hindi ‘yung maganda, ang pinapaganda n’yo pa. Mga abnormal,” dagdag niya.

Sinang-ayunan ng ilang netizens si Otlum habang ang iba ay binigyang katwiran kung bakit magaganda at mapuputi ang kinukuhang endorsers.

“Tama nga naman. Kung napaganda nila si Otlum mas dadami customers nila.”

“Tama po dapat kaming mga pangit ang pagandahin ninyo wag yung maganda.”

“Korek ngayon ninyo patunayan na effective ang product ninyo pagandahin ninyo c otlum.”

“Hindi sila magician, genie or fairy.”

“Himala po ang gusto nyo.”

“Milagro po ang hinihingi nyo.”

“Ang beauty products ay pang enhance, hindi po pang himala may pinipili rin na hitsura.”

“Dasal na kailangan dyan.”

“Huwag natin kalimutan na ang pagkuha ng mga kilalang personalidad ay para mas madaling maipakilala ang produkto. Pero maganda rin na bigyan ng pagkakataon ang iba.”