Operaayon ng e-sabong pinatitigil


ISINUSULONG ng mga senador ang pagpapatigil sa operasyon ng e-sabong o oneline cockfighting sa harap naman ng pagkawala ng 31 na sabungero.

Sa isinagawang pagdinig ng Senado, isinulong ni Senate President Vicente Sotto III na maglabas ang komite ng resolusyon na mananawagan sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) na suspendihin ang lahat ng lisensiya ng mga operator ng e-sabong.

Sinuportahan ni Senator Panfilo Lacson ang hakbang ni Sotto, sa pagsasabing dapat kasama sa panukalang suspensyon ang lahat ng lisensiya ng e-sabong kasama na ang Belvedere Vista Corp., Lucky 8 Star Quest Inc., Visayas Cockers Club Inc., Jade Entertainment And Gaming Technologies, Inc., Newin Cockers Alliance Gaming Corp., Philippine Cockfighting International Inc., at Golden Buzzer, Inc.

Samantala, sinabi ni Pagcor E-Sabong Licensing Department acting Vice President Diane Erica Jogno na ipaaapruba sa Office of the President ang resolusyon ng Senado.