BAGSAK sa water quality ang Puerto Galera sa Mindoro matapos ang isinagawang pagsusuri sa 35 water station sa mga barangay na sakop nito matapos na abutin ang lugar ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress.
Sa isang pulong balitaan, idinagdag ni DENR Undersecretary Jonas Leones na siyam lamang sa 35 sampling stations ang pasado sa kalidad ng tubig.
“These areas which met the criteria for water quality guidelines on oil and grease contaminants are Small Lalaguna and Big Lalaguna Shoreline, Balete, Central Sabang Shoreline, Coco Beach, Batangasa Channel, Paniquian, Balatero and West San Isidro Bay,” sabi ni Leones.
Idinagdag ni Leones na posibleng magdulot ng skin disease ang tubig mula sa Puerto Galera.
“Oil and grease may also result in aspiration leading to respiratory diseases while indigestion will cause gastrointestinal irritations which may manifest acutely as abdominal pain, nausea, vomiting, and diarrhea,” dagdag ni Leones.
Aniya, dapat iwasan ng publiko na kumain ng isda, shellfish at iba pang seafood mula sa karagatan ng Puerto Galera. Igiit naman ni Leones na ipinauubaya na sa Department of Health kung ipatutupad ang fishing ban at sa Department of Tourism kung ipagbabawal ang turismo sa lugar.