TINIYAk ni Pangulong Bongbong Marcos na masusing nakamonitor ang Department of Health (DOH) sa banta ng Omicron subvariant XBB.1.5, sa gitna ng panawagan na higpitan ang protocol para sa mga pumapasok na mga Chinese.
“So, we’re watching it. Of course, very closely. But so far, mukha naman maayos, mukha namang nama-manage natin,” sabi ni Marcos.
Nauna nang nagpatupad ng mandatory RT-PCR test ang maraming bansa sa mga nanggagaling mula sa China matapos na milyon-milyon ang tinatamaan araw-araw ng COVID-19 sa naturang bansa.
“At, mukha naman kagaya ng mga bagong variant na mga pumapasok dito, na dumadating, nakaabang tayo. Binabantayan natin nang husto. Kasi I start to worry pagka ‘yung ospital ay hindi na kaya tanggapin ang pasyente dahil punong-puno na sila. Wala pa tayo roon,” dagdag ni Marcos.