ASAHAN na ang pagpalo ng presyo ng mga produktong petrolyo sa linggong darating bunsod ng patuloy na tensyon na nangyayari sa Middle East.
Tataas ng mula P2 hanggang P2.65 ang kada litro ng langis simula sa Martes.
Ayon kay Rodela Romero, director ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau, posibleng pumalo ang presyo ng gasolina sa pagitan ng P2 hanggang P2.30 habang P2.35 hanggang P2.65 kada litro naman sa presyo ng diesel.
Aakyat din ang presyo ng kerosene o gaas mula P2.45 hanggang P2.55 kada litro.
Una nang nagpahayag ang Jetti Petroleum na posibleng tumaas ang kanilang presyo ng diesel ng P2.70 kada litro at gasolina ng P2.50.
Nitong nakaraang linggo, naitala ang oil price hike sa diese at kerosene na P1.20 at 70 sentimo.