Ogie sa nag-graduate na anak: Gusto sana kitang sabitan ng money garland pero…

KAMAKAILAN ay nagtapos sa elementary ang ikaapat na anak ng showbiz insider na si Ogie Diaz.

Ani Ogie, gusto sana niyang sabitan ng money garland ang anak na si Georgina pero nagbago siya ng isip dahil ayaw niyang bigyan ng kahihiyan ang bata.

Ibinahagi ni Ogie sa Facebook ang larawan nila ng asawang si Georgette kasama si Georgina na nakatanggap ng ilang pagkilala mula sa paaralan nito.

Kalakip ng larawan ang mensahe ni Ogie kay Georgina.

“Georgina, anak, congratulations! Senior High School ka na!

“Gusto sana kitang sabitan ng money garland kasi ‘yun ang uso ngayon at ‘yun ang naba-viral, pero pinili kong ‘wag na.

“Unang-una, ang mental health mo ang concern ko. Ayokong mag-grandstanding ang daddy mo. Kaya ko namang magpagawa ng maraming ganyan hanggang sa matabunan na ng pera ang mukha mo.

“Pero ayaw kong pagtinginan ka ng mga kaklase mo at gusto kitang bigyan ng kahihiyan kahit hindi mo hingin. Ikaw naman ang iniisip ko, hindi ang kayabangan ko.

“Ayokong gawin ‘yong money garland viral, tapos, makikita ko lang na mapakla ang ngiti mo kasi hiyang-hiya ka sa pagpapapapansin ng daddy mo na gusto lang ma-viral.

“Gusto kong makita sa mukha mo ang sincere na ngiti. Habang proud parents lang kami ng mama mo.

“Yun lang naka-graduate ka ay sapat na. At moment mo yan, hindi namin yan aagawin sa ‘yo.”