PINAGHIHINAY-H INAY ng showbiz insider na si Ogie Diaz tungkol ang mga artistang naaadik sa pagpapa-botox.
Sa Facebook post, sinabi ni Ogie na dahil sa sobrang pagpapabanat ng mukha ay hindi na makaarte ang ilang artista.
“Doon sa mga umaarte sa teleserye man ‘yan o sa pelikula, baka pwedeng ‘wag n’yong gawing libangan ang pagpapa-botox masyado. Too much of anything is bad,” sey ni Ogie.
“Nakakalokah! Seryoso ang eksena, nakakatawa man o confrontation scene — iisa lang ang reaction ng mukha. Iisa ang facial expression. Walang linya ang mukha. In short, affected ang performance,” dagdag niya
Biro niya: “Wala namang problema kung gusto mong labanan ang edad mo. Pero ‘wag namang sosobra sa paturok, baka bumalik ka naman sa fetus.”
Sambit pa ng talent manager-vlogger:
“Meron nga, ambabata pa ng artista, suki na ng botox ang mukha, eh. Eh, tumitingin pa naman tayo sa nuances, sa gestures, sa body language — kung tama ang akting o naka-in character.
“Pero sa kabilang banda, baka naman hindi talaga naka-botox at gano’n lang talaga ang kakayanin ng akting niya?
“(O, baka me magtawagan na naman at mag-marites kung sino’ng tinutukoy ko, ha? In general ‘yan. hahaha!).
“Anyway, kanya-kanya namang pag-aalaga ng sarili ‘yan para i-maintain ang lakas ng screen presence.
“Meron ding nagpapadagdag ng lips para maging kissable, meron ding nagpapahigop ng taba o nagpapa-lipo, dahil gustong lumiit sa screen.
“But always remember, ha? Wag n’yo namang perpekin. Yung almost perfect lang at yung meron pa ring room for improvement para maramdaman pa rin ng audience na tao ka pa rin, hindi ka manika.”