Ogie kay ‘Boy Dila’: Magbenta ka na lang ng water gun’

NANINIWALA ang showbiz insider na si Ogie Diaz na mahihirapang makahanap ng trabaho si Lexter Castro, ang “Boy Dila ng San Juan, dahil sa pagiging notoryus nito.

Sa latest episode ng kanyang “Showbiz Updates” vlog, sinabi ni Ogie na nag-aalala siya para kay Castro.

“Nagwo-worry ako dito kay Boy Dila. In the future, ‘pag papasok siya ng trabaho baka lang hindi siya tanggapin,” ani Ogie.

“Dahil ‘pag iginoogle ‘yung pangalan niya, patay, ikaw pala ‘to. Ayaw namin ng mag-aakyat ka ng pangit na reputasyon dito sa aming kumpanya,” dagdag ng talent manager-writer.

Kaya ang payo niya rito: “Magtayo ka na lang ng sarili mong negosyo. ‘Yung watergun. Magbenta siya ng mga watergun, ‘yung colorful.”

Matatandaang lumutang nitong Martes si Castro sa tanggapan ni San Juan Mayor Francis Zamora para humingi ng paumanhin sa publiko at sa delivery rider na binasa niya sa Wattah! Wattah! Festival sa siyudad noong June 24.