Inuga ng Magnitude 5.7 lindol ang Occidental Mindoro ala-1:12 ng umaga Lunes.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), may lalim na 74 kilometro ang lindol na matatatagpuan ang sentro 23 kilomentro hilaga ng Looc, Occidental Mindoro.
Naitala ang Intensity V sa Tagaytay City at Amadeo, Cavite; Intensity IV sa Malolos City at Obando, Bulacan; Manila; Marikina City; San Mateo, Rizal; Las Pinas City; General Trias at Tanza, Cavite, at San Juan City.
Samantala, Intensity III naman sa Quezon City; Pasig City; Makati City, City of Antipolo sa Rizal; at Valenzuela City, at Intensity II sa Palayan City, Nueva EcijaAyon sa Phivolcs, maaaring asahan ang mga afterschocks at pinsala.