SINUSPINDE ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding ngayong Miyerkules, Okt. 23, 2024.
Ginawa ng MMDA ang anunsyo ng number coding suspension matapos suspindihin ng gobyerno ang pasok sa government offices at klase sa lahat ng antas ng paaraalan, pribado at pampubliko, dahil sa nararanasang hagupit ng bagyong si Kristine.
“Suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme ngayong araw, Oktubre 23 (Miyerkules), kasunod ng anunsiyo ng Malacañang na walang pasok sa lahat ng government offices at klase sa lahat ng antas sa buong Luzon dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan dulot ng bagyong #KristinePH,” ayon sa post ng MMDA sa Facebook.