PINAGHAHANDA na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang iba’t ibang lugar sa northern Luzon na posibleng tamaan ng Tropical Storm Goring na magdadala ng malalakas na pag-ulan.
Sa advisory, sinabi ng Pagasa na ang malalakas na buhos ng ulan ay maaaring magdulot ng pag-apaw ng mga ilog na siyang maging dahilan ng maraming pagbaha.
Asahan na ang malakas at maraming volume ng tubig-ulan na magdudulot ng mga pagbaha sa mga sumusunod na mga lugar:
Region I – Ilocos Region
- Ilocos Sur – Lower Abra, Silay-Sta. Maria, Buaya, and Amburayan
- La Union – Amburayan, Baroro, Lower Bauang, and Aringay
- Ilocos Norte – Bulu, Banban, Bacarra-Vintar, Laoag, and Quiaoit
- Pangasinan – Balincaguing and Alaminos
Region II – Cagayan Valley
- Cagayan – Linao, Lower Abulug, Lower Pamplona, Cabicungan, Aunugay, Baua, Palawig, and Taboan
- Isabela – Dikatayan, Divilacan, and Palanan-Pinacanauan
Region III – Central Luzon
- Bataan – Balanga and Morong
- Aurora – Casiguran, Aguang, and Lower Umiray
- Zambales – Pamatawan, Sto. Tomas, Bucao, Bancal, and Lawis.
Pinaghahanda na rin ang mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng kanilang mga hakbang sa kung paano ililikas ang mga tao sa mga apektadong lugar.