“NO work, no pay” ang paiiralin sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30, na una nang idineklara na special non-working day sa buong bansa.
Ito ay ayon sa advisory ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga empleyado at mga employers bilang basehan ng pagbabayad ng sweldo sa mga papasok at hindi papasok sa trabaho.
“If the employee does not work, the “no work, no pay” principle shall apply unless there is a favorable company policy, practice, or collective bargaining agreement (CBA) granting payment on a special day,” pahayag ng DOLE.
Sa mga papasok naman, kailangan bayaran ng employer ng ekstra na 30 percent ng basic wage ang empleyado na papasok ng walong oras (Basic wage x 130 percent).
Kung papasok naman ng wala sa walong oras, kailangan siyang bayaran ng dagdag na 30 percent ng kanyang hourly rate (Hourly rate of the basic wage x 130% x 130% x number of hours worked).
May dagdag na 50 percent naman sa kanyang basic wage sa unang walong oras ng trabaho.(Basic wage x 150%) ang mga papasok na empleyado sa kanyang rest day.
“For work done in excess of eight hours during the special day that also falls on the employee’s rest day, the employer shall pay the employee an additional 30% of the hourly rate on said day (Hourly rate of the basic wage x 150% x 130% x number of hours worked),” ayon pa sa DOLE.