BAWAL na ang “no permit, no exam” policy na kadalasang ipinatutupad ng mga pampubliko at pribadong paaralan, kolehiyo at unibersidad sa kanilang mga mag-aaral na hindi nakabayad ng tuition bago ang eksamen.
Ito ay matapos pirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Republic Act (RA) 11984 o ang “No Permit, No Exam” Prohibition Act noong Marso 11.
Sakop ng nasabing batas ang lahat ng pampubliko at pribadong eskwelahan sa (K to 12) institutions, higher education institutions, at technical-vocational institutions (TVIs), ayon kay Communications Secretary Cheloy Garafil.
“Students with unpaid tuition and other school fees could now take periodic and final examinations, following President Ferdinand R. Marcos Jr.’s signing of Republic Act 11984,” ayon pa kay Garafil.
Papatawan ng parusa ang anumang educational institution na lalabag sa batas.
Sa ilalim ng RA 11984, “all public and private educational institutions are mandated to accommodate and allow disadvantaged students with unpaid tuition and other school fees to take the periodic and final exams without requiring a permit.”
In the case of K to 12 students, the mandate will be for the entire school year, according to the new law.