Niña Jose nagbanta sa mga ‘higad’

WINARNINGAN ni Bayambang, Pangasinan Mayor Niña Jose ang mga babaeng umaali-aligid sa kanyang mister dahil may paglalagyan umano sa kanya ang mga ito.

Sa Facebook post, tinawag din ng dating aktres at Pinoy Big Brother housemate na “higad” ang mga babaeng lapit nang lapit sa asawang si Cezar Quiambao.

“Warning: I say this dahil sa mundong ito panahon nanaman ng mga itchygirls and higad,” ani Niña.

“As a wife, I will always protect what is mine. So, do not ever ever try to cross what’s mine. Because…I will find you. I know who you are,” dagdag niya.

Ang payo ng alkalde sa mga ito: “For your itchiness just use Claritin.”

Agad namang binura ni Niña Jose pero na-screen capture at naikalat na sa social media.

Si Cezar, isang bilyonaryong negosyante, ang presidente at Chief Executive Officer ng Stradcom Corp. na IT service provider ng Land Transportation Office (LTO).