Ngitngit ng solo travelers ibinuhos kay Loisa

HINDI bet ng aktres na si Loisa Andalio ang mag-travel nang mag-isa kaya madalas ay kasama niya sa lamyerda ang boyfriend na si Ronnie Alonte.

Ayon kay Loisa, malungkot ang mag-isa na nagta-travel kaya hindi niya naiintindihan ang mga gumagawa nito.

“Hindi ko maintindihan yung mga tao na nagso-solo travel, parang ang lungkot,” aniya.

“Grabe ‘yung pinagdadaanan talaga siguro nila para gusto nilang maging solo traveler na lang,” dagdag ni Loisa.

Kinuyog naman si Lousa ng mga netizens na may iba pang opinyon.

“Obviously, maliit ang mundo ng batang ito. Kulang sa kaalaman about humanity and human behavior. Mag-aral ka ineng or makisalamuha ka sa iba’t ibang klaseng tao bago mo husgahan o isipin na matindi pinagdadaanan ng mga nagso-solo travel. Later on, madiskubre mo na ang mga pinaka-fulfilled, pinaka-secured, pinakamalaya, malawak ang kaisipan, at pinakamasayang mga tao ay iyong mahilig magsolo sa byahe.”

“Wag ka magalala mararanasan mo yan pag naghiwalay kau. Tiyak sasalihan mo pa ng walwal iha.”

“Solo travellers: Di namin ma-gets yung mga taong nakadepende ang happiness sa iba.”

“Girl I travelled solo of most of the 51 countries I have been , I am not lonely but am empowered and free…try it and you will see the difference.”

“Neng ang lungkot ng buhay mo kasi pati buhay at trip ng solo backpackers pinoproblema mo. Sana makuntento ka rin sa buhay at kasiyahan ng iba dahil walang pake ang mga solo travelers sa buhay mo.”