NAIS mag-angkat ng National Food Authority (NFA) ng 330,000 metriko toneladang bigas na siya umanong sasagot sa inaasang kakulangan nito.
Ayon sa mga opisyal ng Department of Agriculture, ang aangkating bigas ang titiyak na may magiging suplay ang bansa sa panahon ng kalamidad mula Hulyo hanggang Disyembre ngayong taon.
Sagot din umano nito ang siyam na araw na national consumption na magsisimula sa Hulyo.
Inihain ng NFA ang mungkahi nitong importasyon sa isinagawang meeting kasama si Pangulong Bongbong Marcos at DA.
Sinabi ng NFA na inaasahang bababa ang buffer stock ng bigas sa mas mababang 500,000 sako sa buwan ng Hulyo.