HINILING ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) kay Pangulong Bongbong Marcos na buwagin na lamang ang National Food Authority (NFA) matapos ang umano’y kabiguan nito na sundin ang direktiba ng presidente na gawing prayoridad ang lokal na produksyon.
Sa sulat ni SINAG Chairman Rosendo So kay Marcos, idinagdag niya na nabigo ang NFA na gamitin ang pondo nito na P8.5 bilyon para makabili ng 447,368 metric tons ng palay o 290,798 metric tons ng bigas o 5.8 milyong bag ng bigas.
“We write to express our deep concern on the reckless and irresponsible statements from the NFA of having a buffer stock of only 1.56 days, resulting to panic buying of palay, not only from farmers, but also between millers and amongst traders,” sabi ni So.
Idinagdag ni So na base sa mga datos mismo ng DA, umaabot lamang ang average ng bilihin ng palay na wala pang P19 kada kilo. “It is for these reasons that we have called for the abolition of the agency, for its utter failure to support our local farmers and the local industry in general,” dagdag ni So.