NAG-abiso na ang mga oil companies ng dagdag presyo ng produktong petrolyo simula Martes ng umaga.
Magtataas ng P1.40 kada litro sa presyo ng diesel ang mga kompanyang PetroGazz Shell Pilipinas, Seaoil at Cleanfuel simula alas-6 ng umaga sa Enero 7.
Piso naman kada litro ang iaakyat ng presyo sa kada litro ng gasolina at kerosene o gaas.
Ayon kay Rodela Romero, Department of Energy (DOE)-Oil Industry Management Bureau assistant director, ang pagtaas ay posibleng bunsod ng production cuts na mananatili hanggang Abril ngayong taon.
Isa pa rin anyang kontribusyon kung bakit tumaas ang presyo ay ang matinding lamig na nararanasan sa Amerika at Europa at patuloy na tensyon sa Middle East.