Netizens pinag-iingat sa ‘bill reveal challenge’

PINAG-IINGAT ng Manila Electric Co. (Meralco) ang mga netizens na sumasakay sa trending na “bill reveal challenge.”

Sa kalatas, sinabi ng Meralco na mapanganib na ibahagi ang bill ng kuryente dahil maaaring malantad ang personal na impormasyon ng kostomer.

“We urge everyone to exercise caution in what they share on their social media profiles. Meralco places high value on safeguarding the personal information of our customers,” ayon sa Meralco.

Partikular na tinutukan ng Meralco ang Customer Account Number (CAN) na isa umanong sensitibong impormasyon.

“Meralco underscores the importance of refraining from sharing CAN and other confidential information present on your Meralco bill, as scrupulous individuals could exploit these details,” ayon dito.