Netizens ‘nalito’ sa baby bump ni Toni Fowler

DINOGSHOW ng netizens ang aktres at social media star na si Toni Fowler sa pag-flex nito sa kanyang baby bump.

Ibinahagi ni Toni sa Facebook nitong Lunes, June 3, ang kanyang larawan na nilagyan niya ng caption na “Baby bump update.”

Sa background ay makikitang nakatingin kay Toni ang partner na si Vince Flores, isa ring content creator.

Umani ng sari-saring reaksyon ang nasabing post mula sa netizens, na ang karamihan ay mas napansin ang maumbok na behind ni Toni kesa sa tiyan niya.

“Malaki pa yung pwet sa tiyan hahaha.”

“Kahit naman ata kabuwanan nya mas malaki parin yung pwet hahaha.’

“Para ka ng bubuyog mami oni pero maganda pa rin.”

“Ang cute parang si Jollibee na po katawan mo.”

“Mami oni alin po yung buntis yung likod po ba o yung harap?”

“Mukha mas una manganganak pwet nyo mommy oni.”