Netizens ‘naalarma’ sa pag-iyak ni Cong TV sa kasal

DINOGSHOW ng netizens ang pag-iyak ng social media personality na si Cong TV sa kasal nila ng long-time partner na si Viy Cortez.

Biro ng netizens, baka madapuan ng “crying groom curse” ang pagsasama ng dalawa at mauwi ito sa hiwalayan.

Inalala ng mga netizens ang mga pares na naghiwalay kung saan umiyak ang groom sa kasal.

Nariyan anila sina Tom Rodriguez at Carla Abellana, Aljur Abrenica at Kylie Padilla, Jason Hernandez at Moira dela Torre, at Jon Gutierrez at Jelai Andres.

Sey ng mga netizens: “Patay tayo dyan…. Kapag umiyak ang groom alam nyo na daw ang mangyayari”

“Naku ang sumpa ng pag-iyak sa kasal hahaha “Kinakabahan aq” “Sabi nang walang iiyak eh…”

“My naalala ako sa mga pag ganitong pag iyak ng lalake ee.. hahaha”

“Ay umiyak! Takbo na Viy!”

“Naku Cong bakit ka umiyak dimo b naalala lahat ng artistang ikinasal at umiyak ay napupunta sa hiwalayan.”