Netizens inintriga paglalakad sa ulan nina Iris, Xian sa France

TINAASAN ng kilay ng ilang netizens ang ibinahaging picture sa social media ni Iris Lee kasama ang boyfriend na si Xian Lim habang naglakakad sa ulan sa Cannes, France.

Sa photo ay makikita si Xian na nakaakbay sa girlfriend habang hawak ang payong.

Nasa France ang dalawa para dumalo sa prestihiyosong Cannes Film Festival.

Ilang netizens ang tila naiirita sa photo ni Iris at ng ex-BF ni Kim Chiu.

Sey nila:

“Jan na lang kau wag na bumalik.”

“Hanggang kelan naman kaya yan xian? Lol.”

“Sayong sayo na Yan madam Iris! Walang aagaw.”

“They can do whatever they want, wala naman na pake si kim sa kanila, pero please lang xian stop using kim para umingay ka because of your upcoming movie lol.”

“Ganyan din sya nung una kay Kim mga bulaklak na malaki pa sa bahay binibigay.”

“Sus. They’re still in the honeymoon phase.”