TUMAAS ng walong puntos ang net satisfaction rating ni Pangulong Duterte, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Station na ginawa sa huling bahagi ng 2021.
Sa isinagawang survey ng SWS mula Disyembre 12 hanggang 16, nakapagtala si Duterte ng +60 o “very good” na rating.
Lumabas na 75% Pinoy ang satisfied sa trabaho ni Duterte, 9% undecided, at 15% ang dissatisfied.
Mas mataas ito kumpara sa nakuhang net satisfaction rating ni Duterte noong Setyembre 2021, kung saan nakakuha lamang siya ng 58%.
Noong Hunyo 2021, nakakuha si Duterte ng +62.
Para sa buong 2021, umabot ang average net rating ni Duterte sa +64, mas mababa kumpara sa average na +68 noong 2019.
Isinasagawa ang survey gamit ang face-to-face sa kabuuang 1,440 respondents sa buong bansa.