Nene namitas ng mangga, hinampas ng hose

SHOOT sa selda ang 58-anyos na lalaki na hinagupit ng hose ang batang babae na nahuli niyang kumukuha ng mangga sa kanyang puno sa Cebu City kamakailan.

Ayon sa pulisya, nasakote ang suspek, residente ng Brgy. Sapang Dako, base sa reklamo ng 10-anyos na biktima.

Napag-alaman na sinigawan ng suspek ang biktima nang maispatan niyang hina-harvest nito, kasama ang dalawang kalaro, ang mga mangga sa kanyang bakuran.

Nagtakbuhan ang mga bata pero hinabol ng suspek ang isa bago nakorner ang isa at hinampas ng hose.

Inamin naman ng suspek na nagawa niyang saktan ang biktima dahil napuno na umano siya sa mga umuubos sa mangga.

Aniya, ilang beses na niyang pinagsabihan ang mga ito pero nagpatuloy pa rin sila sa pangunguha ng mangga, na kanya umanong ibinebenta.

Gayunman, humingi siya ng paumanhin sa nagawa.