Negosyo ni Trina nag-boom sa kasalang Carlo-Charlie

NAGING mas mabenta umano ang fragrance business ni Trina Candaza makaraang ikasal ang ex-partner niyang si Carlo Aquino sa aktres na si Charlie Dizon.

Naniniwala ang mga observers na sinuportahan ng publiko ang negosyo ni Trina bilang pakikisimpatya rito at sa anak nila ni Carlo na si Mithi.

Ayon sa mga ito, nakuha ng single mom na si Trina ang simpatiya ng publiko.

Bago ito ay kinumpirma ni Trina na hindi nagparamdam si Carlo kung gusto nitong padaluhin si Mithi sa kasal nito kay Charlie.

Ito ang sagot ni Trina sa mga nagtatanong kung bakit hindi raw kinuhang flower girl ni Carlo si Mithi.