Negosyante bibili ng baboy, kinatay ng holdaper

DEAD on the spot ang negosyante na hinoldap na ay pinagtataga pa sa Dumanjug sa Cebu, nitong Huwebes ng umaga.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang biktimang si Leonardo Macaro, residente ng Kanyuko at isang livestock trader.

Ayon sa ulat, umalis ng bahay si Macaro

pasado ala-1 ng madaling-araw para pumunta sa palengke ng katabing bayan ng Barili.

Habang bumabiyahe sakay ng motorsiklo ay huminto ito nang makita ang troso sa gitna ng kalsada

“Nang huminto, pinagtataga [ng suspek] ang biktima nang ilang beses,” ayon kay Capt. Roy Mamaradlo, hepe ng Dumanjug Police Station.

Tinangay ng suspek ang dalang P500,000 cash ng biktima na pambili ng baboy.