NASAWI ang isang kalahok sa paligsahan sa paghuli ng itik nang mabangga siya ng bangka habang lumalangoy kasama pa ang ibang contestant sa Laua-an, Antique.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa dagat na sakop ng Brgy. Bagongbayan.
Sa kumalat na video, makikita ang biktima, na nakilalala sa pangalang Hanz, at iba pang kalahok na lumalangoy nang dumiretso sa kanila ang bangkang de-motor.
Nagtamo ng sugat sa leeg at katawan ang biktima.
Ayon sa bangkero, hindi niya napansin nang matamaan ng propeller ng bangka ang biktima.
Napag-alaman na kalahok ang bangka sa karera na bahagi rin ng ginaganap na Pamalaran Festival sa barangay.