PANSAMANTALANG papataying ang centralized cooling system sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa loob ng 12 oras ngayong Martes hanggang Miyerkules.
Ayon Manila International Airport Authority (MIAA), papatayin ang cooling system simula alas-9 ng gabi ngayong Martes hanggang alas-9 ng umaga ng Miyerkules.
“While mitigating measures will be in place during this 12-hour window, the public is hereby advised to expect elevated temperature inside NAIA Terminal 3 during the installation,” ayon sa advisory ng NAIA sa Facebook.
Tinatayang 27,000 passengers ng 117 flights ang maapektuhan ng gagawing pagkumpuni.
Habang inaasahang magiging mainit sa loob ng airport, naka-high alert naman ang mga tauhan ng MIAA para sa anumang emergency.
Partikular na maaapektuhan ay ang check-in counters, immigration departure, final security checks for domestic and international flights, baggage carousels para sa international at domestic arrivals, at arrival lobby.
“Stand-alone air conditioning units will be deployed in various areas of the terminal for spot cooling as backup,” ayon sa kalatas.
Ayon sa MIAA anim na bagong cooling tower ang ilalagay at ang main piping lines ng chiller plant ay kailangang ikonek sa bagong cooling tower piping.