Nag-bomb joke sa mall, bagsak sa kulungan

NAPURNADA ang date ng magkasintahan sa mall sa Lanang, Davao City makaraang dakpin at ikulong ang lalaki nang magbitaw ito ng bomb joke.

Ayon sa pulisya, papasok ang magkasintahan sa mall nang biruin ng lalaki ang girlfriend na mayroong bomba sa loob ng kanyang bag.

Naulinigan ito ng security guard kaya hinarang sa pagpasok ang lalaki saka itinurn-over sa pulisya.

Nahaharap sa reklamong paglabag sa Presidential Decree 1727 o Anti-Bomb Joke Law ang suspek.

Pinaalalahan ng pulisya ang publiko na iwasang magbitaw ng mga biro na maglalagay sa kanila sa alanganin.