DIRING-DIRI ang dating singer na si Mystica sa viral street vendor na si Diwata at sa dinudumog nitong paresan sa Pasay.
Sa Facebook, ibinuhos ng US-based na si Mystica ang kanyang pagkasulasok kay Diwata at sa tindahan nito.
Aniya, tila lumaki ang ulo ni Diwata simula nang maging matunog ang paresan nito.
“Yung itsura ni Diwata ngayon nandidiri na sa mga taong gustong magpapicture sa kanya, kitang-kita na ‘yan sa videos online. Iba ang trato niya sa mga bumibili ng pares niya na talagang sumusuporta sa kanya pero pag siya ang bibigyan ng blessing todo asikaso siya buong araw,” simulang ratsada ni Mystica.
“Alam ko, napansin niyo rin na balewala na yung mga taong pumila at kumakain sa paresan niya, ang bilis niyang nagbago, papaano pa hahanga ang tao sa kaniya kung ganoon siya, akala mo kung sino na siya na hindi na maabot!” dagdag niya.
Inutusan din niya si Diwata na magpokus sa “dugyot” niyang tindahan.
“Unahin mo ang sanitation at kalinisan ng mga kumakain sa iyo, yun ang dapat inaasikaso mo, hindi ang mangbara ng mga taong ikaw naman talaga ang pinunta, hindi ang pares mo,” wika ni Mystica.
“Hindi niya alam na ito ang magpapabagsak sa kanyang nilalangaw at dugyot na ugali, dugyot na katawan at pagmumukha at dugyot na paresan!” sambit pa niya.