SINABI ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na hindi nito nakikitang sasadsad sa 160 metro ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa harap naman ng patuloy na pagbaba nito.
Sa Laging Handa briefing, idinagdag ni MWSS Division Manager Engr. Patrick Dizon na inaasahan nang madaragdagan ang lebel ng tubig sa nasabing dam dahil sa mga pag-ulan.
Ang critical level ng dam ay 180 meters. Noong unang linggo ng Hulyo, naitala ang water level nito sa 181 meters.
“Base na rin po sa nagiging projection po natin sa pag-uulan po dito sa ating watershed at sa mga datos na rin, sir, na mayroon tayo ngayon sa ating watershed ay hindi natin nakikitang sasadsad po iyong lebel po ng ating Angat Dam,” sabi ni Dizon.
Aniya, inaasahan ang pagpasok ng bagyo sa bansa.