BUMUO na ang Department of Transportation (DOTr) ng isang inter-agency task force matapos bulabugin ng bomb threat ang pasilidad ngayong Biyernes.
Ayon sa ulat, nakatanggap ang MRT3 ng email kaugnay ng umano’y bomb threat kaninang umaga.
Tiniyak ng task force ang publiko na ginagawa ang lahat para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
Umapela rin ang pamunuan ng MRT-3 na iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikado g impormasyon para maiwasang magdulot ng panic.
Kabilang sa miyembro ng task force sina DOTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez, Department of Information and Communications Technology (DICT) Cybercrime Investigation and Coordinating Center Undersecretary Alex Ramos, at Quezom City Police District (QCPD) Dir. Brig. Gen. Redrico Maranan.