Mon Confiado tuloy demanda vs content creator

HINDI iuurong ng aktor na si Mon Confiado ang kasong cyberlibel laban sa vlogger na si Jeff Jacinto alyas Ileiad sa kabila ng pagmamakaawa nito.

“Tuloy [ang kaso]. Hindi ko alam saan pupunta ang kaso, it does not matter. Ang importante maging aware tayo lahat na hindi pwede gagawa basta ng kwento. Ganoon lang ba yun?” ani Confiado sa isang panayam.

“Hindi dapat tayo nagsisiraan. Sabihin joke lang! Kailangan natin itama. Dapat siguro masimulan. Ito na ‘yun,” dagdag niya.

Pahayag pa ng aktor, wala siyang naramdaman na sinseridad sa pagmamakaawa ni Jacinto.

Nagmamakaawa, nag-apologize. Pero ang mali niya, hindi niya tinangal agad yung post. Hindi yung drinag ‘yung name ko. Ang mali niya raw dapat tinangal agad noong nagmessage ako,” paliwanag ni Confiado.