INANUNSYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magbabalik na ang tatlong oras na number coding scheme sa umaga simula sa Lunes, Agosto 15.
Ipapatupad ang coding simula alas-7 hanggang alas-10 ng umaga habang sa hapon naman ay magsisimula ng alas-5 hanggang alas-8 ng gabi.
Epektibo ito Lunes hanggang Biyernes, at maliban sa mga holiday.
Exempted sa scheme ang mga pampublikong sasakyan, transport network vehicles services (TNVS), motorsiklo, trash-collecting trucks, trak na may dalang produktong petrolyo, at mga sasakyang may mga nabubulok o mahahalagang gamit, ayon sa MMDA.
Ang pagbabalik ng pinalawak na scheme ng number coding ay ipatutupad kasabay nang paghahanda ng gobyerno sa pagbabalik-eskwela sa Agosto 22.