INUTOS ng House quad committee ang pag-aresto sa misis ng nagtatagong dating presidential spokesperson Harry Roque na si Mylah Roque matapos itong i-contempt dahil sa pang-iisnab sa pagdinig ng komite ngayong Biyernes.
Kapwa pinadadalo ng komite ang mag-asawa sa pagdinig sa isinasagawang imbestigasyon ng komite hinggil sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) kung saan idinadawit ang dating opisyal ng Malacanang.
Una nang ipinatawag ng komite ang misis ni Roque para bigyang-linaw ang kanyang naging role sa pagpirma sa lease agreement sa Chinese nationals na iniuugnay sa POGO comples sa Bamban, Tarlac.
Sa mga nagdaang pagdinig, itinanggi ni Roque na may kaugnayan siya sa nasabing ilegal na operasyon. Tumanggi rin itong ilabas ang mga dokumento at inihirit na ginigipit lamang siya at bahagi ito ng “political inquisition” laban sa mga Duterte at sa kanya.