TINUKOY ni Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na miscommunication and dahilan kung bakit dinagsa ng mga tao ang opisina nito ngayong Sabado kaugnay sa ipamimigay na P500 milyong tulong pinansyal sa mga mahihirap na mag-aaral.
“Ang nangyari po ay nagkaroon ng miscommunication. It was a miscommunication down the line, alright? When I was informed na ‘Okay tayo, Secretary, may walk-in tayo’, okay naman din yun sir, kasi ngayon, rinerecalibrate namin every minute,” sagot ni Tulfo ng tanungin kung bakit kailangan ng mga tao ng QR code kung maaari ang walk-in.
Paliwanag ni Tulfo, prayoridad ang online registration para sa tulong, ngunit nakatanggap siya ng mga reklamo na may mga taong walang cellphone o computer para makapag-generate ng QR code. Sa kabila nito, iginiit ni niya na ipoprocess pa rin ang mga tao ngunit kailangang maghintay.
Binigyang-diin ni Tulfo na matagal na ang programang ito bago pa anya ito ianunsyo.
“Ito yung problema namin sa DSWD, itong educational assistance, every year. Kaso hindi ko malaman kung secret ba, hindi ina-announce… matagal na po ito ‘pag pasukan, may educational assistance,” ani Tulfo.