HUMIRIT ang Liga ng mga Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) na itaas ang minimum na pasahe sa P15 mula sa kasalukuyang P9 sa mga pampublikong jeep, bunsod ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dulot ng pagtaas ng implasyon.
Sa kanilang petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board , sinabi ng LTOP na kinakapos na sila dahil sa taas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at hindi na sila makapaglaan ng sapat na pagkain sa kanilang pamilya.
“The continuous increasing. inflation rate which kick up the prices of basic commodities pushed the PUJ stakeholders to the edge and can no longer provide 3x a day meal to their respective families,” ayon sa grupo.
“The aforesaid compounded factors, compelled the transportation sector to file this Petition and ask for a conservative fare increase of FIFTEEN PESOS (P15.00) as the minimum fare for the first four kilometers,” dagdag nito.
Ayon naman sa LTFRB, natanggap na nito ang petisyon at kanila na itong pag-aaralan.