Miles sa bashers ni Joey: Tigilan n’yo yan!

NILINAW ni TV host-actress Miles Ocampo na hindi siya nagdamdam sa “pataba” joke ni Joey de Leon sa kanya sa “Peraphy” segment ng “Eat Bulaga” ilang linggo na ang nakakalipas.

Matatandaan na na-bash si Joey dahil sa ginawa umano nitong pag-body shame kay Miles na noon ay nagdidiwang ng kaarawan sa noontime show.

Giit ni Miles, sanay na siya sa mga biruan ng mga hosts ng EB.

“Sa Dabarkads, bawal ang pikon. Sanay lang sa mga bawat banat at hirit ng isa’t isa, so walang problema po,” paliwanag niya.

Dinipensahan din niya sa bashers si Joey.

“Actually si Boss Joey, naapektuhan din kasi nga ‘bakit galit ‘yung mga tao sa akin?’ Eh, segment naman sa Eat Bulaga ‘yung ‘pataas, pababa.’ Sabi ko kay Boss Joey, ‘okay na po ‘yun, sadyang ang mga tao talaga ngayon ay makabilis makahanap ng mali, kaya napupuna agad.’ Sabi ko, wala pong problema,” sey ni Miles.

Nag-sorry din daw sa kanya si Joey kinabukasan kaya sana, sabi ni Miles, ay tigilan na rin daw ang pamba-bash dito.