PINALAGAN ni Miel Pangilinan, ang “pansexual” na anak nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilin, ang mga pang-iinsulto at pintas na natatanggap niya dahil sa kanyang itsura.
Sa TikTok, tinalakan ni Miel ang mga bashers na tinawag niya na “old people.”
Sey niya: “Old people calling me waste of genes, constantly harassing me and insulting my apperance (i didn’t do anything and if i say something they call me the sensitive one).”
Giit ni Miel, wala siyang tinatapakang tao sa kanyang pagpo-post sa social media kaya nagtataka siya kung bakit maraming galit sa kanya.
“Trying to just kind of exist positively online and trying my best to stay in my lane,” sabi niya.
Bago ito, inilantad ni Miel na hindi siya straight at lesbian kundi isang queer at pansexual.
“I just like to use ‘queer’ ‘cause it’s just an umbrella term or just somebody who doesn’t necessarily feel as though the existing labels fit them,” paliwanag niya.
“I don’t really have a specific label, but the one thing that I feel more aligned with is parang pansexual,” dagdag niya. “My attraction is not just limited to gender, or gender identity or presentation. Anybody talaga.”