Site icon Pinoy Publiko

Medialdea isinugod sa ospital sa the Netherlands

ISINUGOD sa ospital sa The Hague, Netherlands ngayong Martes ng umaga (hapon sa Pilipinas) ang lead counsel at dating Executive Secretary ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Salvador Medialdea.

Sa isang post sa Facebook, ibinahagi ni Senador Robin Padilla ang larawan ni Medialdea habang nakaupo sa wheelchair.

Sa unang report ng GMA News, inireport nito na isinakay si Medialdea sa ambulansya. Hindi naman natukoy kung bakit.

“As’alu Allah al ‘azim rabbil ‘arshil azim an yashifika. I ask Allah, the Mighty, the Lord of the Mighty Throne, to cure you,” ayon naman kay Padilla sa kanyang FB page.

Si Padilla ngayong ang tumatayong guardian ni Medialdea, ayon pa sa report ng GMA.

Dumating si Padilla sa The Netherlands noong isang linggo o isang araw matapos dalhin si Duterte sa The Hague para harapin ang kasong crimes against humanity na nakasampa sa International Criminal Court hinggil sa madugong war on drugs noong panahon ng kanyang administrasyon.

Exit mobile version