BUMAGSAK ang benta ng fast-food chain giant na McDonald’s sa ikalawang quarter ng taon.
Naitala ang mababang sales sa unang pagkakataon sa loob ng halos apat na taon, ayon sa statement na inilabas nitong Lunes.
“Global comparable sales decreased 1.0 percent, reflecting negative comparable sales across all segments,” ayon sa kalatas.
“Sales in the US declined 0.7 percent and the internationally operated markets segment fell 1.1 percent, while the international developmental licensed markets segment decreased 1.3 percent,” ayon pa sa kalatas.
Dahil dito umabot lang sa $2.02 bilyon ang net income ng kompanya nitong Abril-Hunyo, bumaba ng 12.5 porsyento mula sa $2.31 bilyon ng parehong period noong isang taon.
Ang revenue ay naitala naman sa $6.49 bilyon, mas maliit lang ng kotni sa $6.5 bilyon.
Sinasabing malaking impact ng gera sa Middle East ang nangyaring pagbagsak ng sales ng McDonalds.