HINDI natuwa ang ilang netizens sa biro ni Bayambang, Pangasinan Mayor Niña Jose-Quiambao na mag-candlelight date na lang mga kababayan niyang nakararanas ng brownout dulot ng Bagyong Kristine.
Sey ni Jose sa social media post: “Sa mga may brownout, pwede kayo mag candlelight date ng asawa mo, pamilya mo, jowa mo habang nagdidinner o di ba???”
“Kidding aside, konting pasensya po sa mga walang ilaw, we are in close coordination with CENPELCO and we will update you po if may sagot na sila. Meanwhile, stay safe, dry and lets pray together to shoooo away this bagyong Kristine,” sey ng alkalde at dating aktres na unang nakilala sa Pinoy Big Brother.
Agad namang in-edit ni Jose ang post at tinanggal ang “candlelight dinner joke” makaraang ulanin ng mga batikos.
“In times like these, it’s important to approach situations with the seriousness they deserve, especially when so many people have been affected by the typhoon. We should always practice empathy and sympathy, and I hope public officials, in particular, can lead by example. My thoughts and prayers are with everyone for their safety and well-being, including you, Mayor. God bless,” sambit ng isang netizen.