PATULOY pa rin ang pag-aalburuto ng bulkang Mayon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) matapos itong magtala ng 267 volcanic earthquakes mula alas-5 ng madaling araw nitong Lunes hanggang alas-5 ng madaling araw ngayong Martes.
Nitong Lunes, ayon sa Phivolcs umakyat sa 184 ang lindol na naitala sa paligid ng bulkan, malaking taas mula sa 39 na naitala noong weekend.
Samantala, naiulat din na merong 238 rockfall events at 1,689 sulfur dioxide flux ang naitala mula sa bulkan.
Nanatili ang Alert Level 3 sa bulkan simula noon pang Hunyo 8.