PINAGPAPALIWANAG ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS RO) ang west zone concessionaire na Maynilad Water Services Inc. sa kamakailang inanunsyong water service interruptions.
Sa isang advisory na inilabas noong Lunes, sinabi ng MWSS na dapat ipaliwanag ng Maynilad ang hindi nito pagsasabi nang maaga sa kanilang mga customer na may magaganap na water interruption.
Ipinapaalala rin ng MWSS dapat mag-post Maynilad ng mga abiso sa social media – partikular na Facebook at Twitter, at tradisyonal na media – radyo, telebisyon, at pahayagan, kasama ang mga text blasts ng hindi bababa sa 48 oras bago ang interruption.
“The MWSS RO ordered Maynilad to strictly adhere to its announced WSI schedules, ramp up its tankering operations and coordination with the affected barangays, and implement other measures necessary to mitigate the adverse effects of the WSIs on the consuming public,” ayon sa MWSS.
Inatasan din nito ang Maynilad na magsumite ng konkretong plano ng aksyon at magpataw ng mga solusyon para matugunan ang patuloy na isyu sa suplay ng tubig at kalidad sa west zone at mapabilis ang pagpapatuloy ng normal na serbisyo sa mga customer.