Maynila, Top 5 ‘riskiest city’ para sa turista

ISA ang Maynila sa pinakamapanganib na mga lungsod sa mundo para sa mga turista.

Ayon sa Forbes Advisor, ang Maynila ang ikalima sa listahan ng “worst cities for tourist safety” habang pinakaligtas naman ang Singapore.

Ibinase ng Forbes Advisor ang mababang rating ng Maynila sa mga isyu ng kalusugan, krimen at pangkalahatang seguridad.

Ang apat na siyudad na mas masahol sa Maynila ay ang Caracas, Venezuela; Karachi, Pakistan; Yangon, Myanmar; at Lagos, Nigeria.

Kabilang naman sa pinakaligtas na lungsod ang  Tokyo, Japan (ikalawa); Toronto, Canada (ikatlo); Sydney, Australia (ikaapat); at Zurich, Switzerland (ikalima).