MULING dumanas nang matinding brownout ang Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ngayong Labor Day.
Tatlong oras nawalan ng kuryente and airport ala-1:05 ng madaling araw.
Sa isang kalatas, sinabi ng Manila International Airport Authority na standby power ang siyang nag-suplay sa mga kritikal na pasilidad para tumakbo ang computer system ng mga airlines at Immigration para ma-process ang inbount at outbound passengers.
“As a result, delayed flights shall be expected. MIAA Management apologizes to air travelers for the inconvenience that the situation may have brought to them,” ayon pa sa kalatas.
Mariin namang itinanggi ng Transportation Secretary Jaime Bautista na ang nangyaring outage ay kaparehas nang naranasang brownout noong New Year’s Day.
Inatasan naman agad-agad ni Pangulong Bongbong Marcos si Bautista na gawan ng paraan upang maibalik ang suplay ng kuryente at alalayan ang mga apektadong pasahero.