Site icon Pinoy Publiko

Mas malakas, malawak na animal welfare law isinusulong ni Poe

Si Senador Grace Poe kasama ang alagang aso. Isinusulong niya ang pagrebisa ng Animal Welfare Act. (photo courtesy of Grace Poe/Instagram)

NAIS ni Senador Grace Poe na mas mapalawak at mapalakas pa nang husto ang kasalukuyang Animal Welfare Act na siyang magbibigay ng mas kaukulang proteksyon sa mga hayop.

Dahil dito, isinusulong ni Poe ang paglikha ng Animal Welfare Bureau (AWB) na siyang sentro ng kanyang Senate Bill No. 2458 na nagrerekomenda para rebisahin ang Republic Act (RA) 8485 o ang Animal Welfare Act of 1998.

“Animals do have rights, too. Ang bantay ng ating bahay, kailangan din ng tagapagtanggol. Some humans consider their pet animals like a member of their own family. However, not all animals are given the same care and attention, they are sometimes left abandoned, or worse, experience cruelty,” pahayag ni Poe.

Ang Bureau of Animal Industry ang siyang pangunahing ahensiya na tumututok sa pagpapatupad ng nasabing batas.

Ngunit, ayon kay Poe, kulang ang trabahong ginagampanan ng ahensiya.

“However, BAI is a staff bureau that primarily performs policy, program development, and advisory functions, and is without control over regional and local veterinary services, animal production, and animal welfare, which significantly impairs its implementation and enforcement of the Animal Welfare Act,” anya.

Sa kanyang panukala, nais ni Poe na bumuo ng bagong AWB na magkakaroon ng mga sumusunod na th tungkulin:

Ilalagay sa ilalim ng Department of Agriculture ang nasabing bureau at magkakaroon ng mga tanggapan sa regional, provincial, city at municipal level.

Inihihirit din ni Poe ang mas mabigat na parusa sa mga taong nagmamalupit sa mga hayop. Anya dapat patawan ng isa hanggang tatlong taon na pagkakakulong at multang P30,000 hanggang P100,000 ang sinoman na mapatunayan na nagmalupit sa hayop.

Exit mobile version