‘Mark Anthony Fernandez’ na-scam sa online shopping

AABOT sa P39,000 ang natangay mula sa kapangalan ng aktor na si Mark Anthony Fernandez ng pekeng online store na nagbebenta ng Apple products.

Ani Fernandez, 47, resort operations manager sa Agdangan, Quezon, nakumbinsi siyang bumili sa online store dahil sobrang mura ang mga ibinebenta nitong items.

Noong April 4 ay umorder siya ng 13-inch MacBook Air na nagkakahalagang P39,990.

Makaraang magkasundo ay nagbayad si Fernandez sa seller ng halagang

P40,355, kasama na ang shipping fee.

Pero lumipas ang ilang araw ay walang dumating na laptop at nang balikan niya ang FB page ay napag-alaman niyang naka-block na siya roon.

Iniimbestigahan na ng anti-cyber crime unit Police Regional Office 4A ang kaso.