INAMIN ni Pangulong Bongbong Marcos na ang pagtaas ng mga bilihin ang pinakamabigat na problema ng kanyang administrasyon.
“Alam naman natin sa kasalukuyan ay ‘yan ang pinakamabigat na problemang hinaharap nating lahat at pataas nang pataas ang presyo ng bilihin. At naging problema ito dahil tayo ay naging – umaasa na tayo masyado bago nung pandemya, umaasa na tayo masyado sa importation. Napabayaan natin ang agrikultura at kaya mababa ang ani ng ating mga magsasaka,” sabi ni Marcos.
Idinagdag din ni Marcos na kailangang palawakin ang mga Kadiwa center para mas maraming Pinoy ang makinabang sa mas murang mga bilihin.
“Ngayon naman ay nakikita namin kailangan talaga palawakin pa. At alam ko ‘yung mga Kadiwa ‘pag pinupuntahan ng tao ay lalong-lalo na ‘yung bigas na mura, ‘yung asukal na mura, ‘yung sibuyas na mura, ‘yung iba’t ibang – nauubos agad,” dagdag ni Marcos.