IPINANGAKO ni Pangulong Bongbong Marcos na bababa ang bigas sa P20 kada kilo, hindi man ngayon pero malapit na.
Anya, hindi umano magawang ibaba ito ngayon dahil sa ilang factors at isa na diyan ay ang weather.
“Yesterday if not sooner. Lahat ng timetable ko, yesterday if not sooner. Lahat ‘yan ASAP. I don’t know, we’ll see. We’ll see. Kasi mayroon – minamalas din tayo sa weather eh kaya hindi mo matiyak kung ano ‘yung magiging production, ano ‘yung magiging supply. So tingnan natin, pababa na nang pababa. We’ll keep working on it,” sabi ni Marcos.
Nauna nang nakapagbenta ng P25 kada kilo ng bigas ang gobyerno sa pamamagitan ng mga Kadiwa ng Pasko noong Disyembre.
Isa sa mga election promise ni Marcos ang pagbaba ng presyo ng bigas sa P20 kada kilo.